KALUPI NG PUSO (Local Classical Poem)
KALUPI NG PUSO Jose Corazon de Jesus . Talaan ng aking mga dinaramdam, Kasangguning lihim ng nais tandaan, bawat dahon niya ay kinalalagyan ng isang gunitang pagkamahal-mahal Kaluping maliit sa tapat ng puso ang bawat talata’y puno ng pagsuyo, ang takip ay bughaw, dito nakatago ang lihim ng aking ligaya’t siphayo. Nang buwan ng Mayo kami nagkilala at tila Mayo rin nang magkalayo na; sa kaluping ito nababasa-basa ang lahat ng aking mga alaala. Nakatala rito ang buwan at araw ng aking ligaya at kapighatian… isang dapithapo’y nagugunam-gunam sa mga mata ko ang luha’y umapaw… Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot binabasa-basa ang nagdaang lugod; ang alaala ko’y dito nagagamot, sa munting kaluping puno ng himutok. Matandang kalupi ng aking sinapit dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis; kung binubuksan ka’y parang lumalapit ang lahat ng aking nabigong pag-ibig. Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na ang lumang pagsuyo’y naaalaala, O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa m
Comments
Post a Comment